Matagumpay na naisagawa ang makasaysayan at kauna-unahang LUMIN-AWA Float Parade, na bahagi ng ika-pitong Bodong Festival at ika-tatlumput isang Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Kalinga.
Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang parada sa pamamagitan ng kanilang “Lumin-awa Float”, na tampok ang dalawang nagkakapit-kamay bilang simbolo ng pagkakaisa at kapayapaan, kasama ang mga larawan ng dalawang kilalang iKalinga artist at tagapangalaga ng kultura na sina Apo Whang-od at ang yumaong Alonzo Saclag Sr..
Kabilang sa mga kalahok ang float ng pamahalaang panlalawigan, mga float mula sa pitong munisipalidad ng Kalinga at lungsod ng Tabuk bilang contest entries, at mga float mula sa sektor ng negosyo at pribadong sektor.
Kasama rito ang:
“Unoy Festival” ng Tinglayan
“Binungol and Manchatchaton Festival” ng Balbalan
“Slow Food and Salip Festival” ng Pasil
“Laga Festival” ng Lubuagan
“Sumkad Pinukpuk” ng Pinukpuk
“Matagoan Festival” ng Tabuk City
“Kape Festival” ng Tanudan
“PaMaNa Festival” ng Rizal
Bawat bayan ay buong pagmamalaking ipinakita ang kanilang mga float na sumasalamin sa kanilang pagkakakilanlan, slogan, produkto, pista, at destinasyon ng turista.
Layunin ng aktibidad na ito na suportahan ang lokal na turismo at ipakita ang kultura, identidad, at kaunlaran ng Kalinga, kaakibat ang tema ng Bodong Festival na pagkakaisa, kapayapaan, at pamana ng kultura.
Ang mananalo ay nakabatay sa pagsunod sa tema ng festival na “Naindaklan nga Kultura, Isu’t Bileg ti Kalinga”, pagiging malikhain, orihinalidad, kalidad ng paggawa, husay sa pagkakagawa, at kabuuang visual na impact.
Nagsilbing naman guest of honor at speaker si DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na inirepresenta ni Undersecretary Engr. Roger Navarro.









