--Ads--

MAYNILA — Naitalaga si Senador Sherwin Gatchalian bilang bagong Acting Senate President at Senate President Pro Tempore noong Miyerkules matapos makabuo ng korum ang Senado sa pagbubukas ng sesyon.

Naging posible ang pagdaraos ng sesyon matapos dumalo si Senador Francis “Chiz” Escudero, na siyang nag-iisang miyembro ng majority bloc na nakilahok sa plenaryo.

Sa pagdalo ni Escudero, umabot sa kinakailangang bilang ng mga senador ang present sa sesyon kaya naideklara ang korum at naipagpatuloy ang mga gawain ng kapulungan.

Tinuldukan din nito ang dalawang magkasunod na araw na hindi nakapagdaos ng sesyon ang Senado dahil sa patuloy na pagliban ng mga miyembro ng mayoryang bloke.

Kasunod nito, iniluklok si Gatchalian bilang Acting Senate President at Senate President Pro Tempore upang pamunuan ang sesyon ng Senado.