--Ads--

BAGUIO CITY – Ipinagmamalaki ngayon ng isang Boxing Gym na naka base sa lalawigan ng Benguet ang pagkapanalo ng dalawa nilang boksingero sa naganap na 55th Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) Convention sa Palawan.

Ayon kay Joven Jorda, head trainer ng Highland Boxing Gym, pinatulog ni Jelbirt Gomera ang undeafeated boxer na si Omrri Bolivar mula Venezuela sa ikalima na ikot ng kanilang laban.

Dahil dito ay nakuha ng boksingero na tubo ng General Santos City ang Interim OPBF Featherweight belt.

Samantala, nakuha naman ni Jerronil Borres na tubo ng Cagayan de Oro ang Asia Boxing Federation (ABF) Flyweight belt makaraan niyang talunin si Robert Onggocan sa pamamagitan ng unanimous decision.