(UPDATE) BAGUIO CITY-Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang dalawang umano’y big time drug suspect na namatay matapos silang makipagbarilan sa mga Benguet Police Provincial Office sa Lamut-Beckel Road, La Trinidad, Benguet.
Batay sa report, nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan ng mga nasawing suspek.
Maaalalang nagsasagawa ng surveilance operation ang mga pulis at sinundan nila ang sinakyan ng mga suspek hanggang sa nasabing kalsada.
Gayunman, nahalata ng mga suspek na sila’y sinusundan ng mga awtoridad kaya’t nagpaputok sila ng baril.
Ayon sa pulisya, gumanti sila at nagpaputok din sila ng baril na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang suspek.
Narekober ng mga pulis sa mga suspek ang 19 pakete ng shabu, dalawang baril at iba pang kontrabando habang walang plaka ang ginamit nilang sasakyan.










