Inaresto ang isang 31-anyos na lalaki na tinaguriang Regional Top Priority Identified Drug Personality ng Police Regional Office–Cordillera matapos itong mabigong humarap sa korte kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Dinakip ang suspek kagabi sa T. Alonzo Street, Baguio City ng mga tauhan ng Baguio City Police Office (BCPO) Station 2 sa bisa ng bench warrant. Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng pulisya at inaasahang ililipat sa Baguio City Jail Male Dorm.
Samantala, isang 69-anyos na lalaki ang naaresto kamakailan sa Tip Top, Ambuklao Road dahil sa kasong paglabag sa Section 68 ng Presidential Decree 705 o illegal logging. Isinilbi ang warrant of arrest na inilabas noong Pebrero 6, 2026, na may inirekomendang piyansang P30,000. | via Bombo Noveh Organo








