--Ads--

BAGUIO CITY – Paiimbestigahan umano ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa Baguio City Police Office ang hinihinalang pasugalan sa Sinkhole, Magsaysay, Baguio City.

Ang naturang lugar ang pinangyarihan ng pagpapasabog ng improvised explosive device na isinagawa ng isang 32-anyos na suspek na isang minero.

Sa panayam ng media kay Mayor Benjamin Magalong kahapon, Abril 13, 2026, sinabi niyang hindi pa niya nalalaman na may pasugalan doon at wala ito sa ulat na ibinigay sa kanya ni Baguio City Director Police Ruel Tagel.

Ayon sa kanya, nasa ilalim pa ng imbestigasyon kung totoong pasugalan ang nasabing establisimyento.

Dagdag pa niya, aalamin o sisiyasatin niya ang nasabing usapin.