ATOK, BENGUET – Inamin ni Atok Mayor Franklin Smith na may ilang lugar sa Atok na walang suplay ng tubig at umaasa lamang sa tubig-ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ng alkalde na dahil dito, inihahanda na lamang ng mga magsasaka ang kanilang mga sakahan at nagtatanim kapag may ulan. Aniya, may ilang pagkakataon na isang beses lamang makapagtanim sa isang taniman, kumpara noon na kung sapat ang suplay ng tubig ay nakakapag-ani sila ng tatlo hanggang apat na beses.
Samantala, ayon kay Mayor Benjamin Magalong, patuloy pa ring dinarayo ng mga turista ang Atok sa kabila ng mainit na panahon at nararanasang krisis sa bansa.
Biro pa niya, maaari na umanong magsuot ng t-shirt sa tanghali, hindi tulad noon na kahit tanghaling tapat ay malamig pa rin ang klima sa lugar.











