--Ads--
Baguio City — Isang 36-anyos na babae na guro at residente ng Crystal Cave, Bakakeng Central ang nagsampa ng reklamo laban sa isang 24-anyos na lalaki matapos umanong pasukin ang kanyang bahay at tangayin ang ilang personal na gamit.
Batay sa paunang imbestigasyon, pumasok umano ang suspek sa tahanan ng biktima sa pamamagitan ng bintana sa sala.
Ayon sa ulat ng pulisya, tinangay ng suspek ang dalawang bracelet na may kabuuang halagang ₱1,000 at isang mamahaling earphones.
Natuklasan ang insidente ng isang kapitbahay na agad humingi ng tulong, na nagresulta sa agarang pagkakadakip sa suspek.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya para sa kaukulang imbestigasyon sa kasong isinampa.| via Bombo Noveh Organo











