--Ads--

Magbabalik sa BRAVE Combat Federation si Filipino mixed martial artist Stephen “The Sniper” Loman sa pagtapat niya kay No. 2-ranked contender Lasha Abramishvili sa BRAVE CF 108 sa Setyembre 5 sa Croatia.

Magsisilbing title eliminator ang laban, kung saan ang mananalo ay magkakaroon ng tsansang hamunin ang reigning bantamweight champion na si Borislav Nikolić.

Bumalik si Loman sa BRAVE CF matapos ang kanyang pag-alis sa ONE Championship noong Disyembre 2025. Siya ang kauna-unahang BRAVE CF bantamweight champion noong 2017 at matagumpay na naipagtanggol ang titulo ng apat na beses sa loob ng 1,179 araw.

Samantala, haharapin niya ang walang talong si Abramishvili, na may 4-0 rekord sa BRAVE CF at naniniwalang ang panalo laban kay Loman ang magpapatunay na karapat-dapat siyang lumaban para sa kampeonato.