BAGUIO CITY – Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Baguio ang ika-36 anibersaryo ng mapaminsalang July 16, 1990 Luzon earthquake sa pamamagitan ng isang programa sa City Hall Park.
Tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa Central at Northern Luzon noong Hulyo 16, 1990 bandang alas-4:26 ng hapon at tumagal ng humigit-kumulang 45 segundo. Nagdulot ito ng matinding pinsala sa Baguio City kung saan mahigit 1,600 katao ang nasawi at maraming gusali, bahay, kalsada, at imprastraktura ang napinsala.
Pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang paggunita upang alalahanin ang mga nasawi, kilalanin ang katatagan ng mga survivor at responders, at muling pagtibayin ang pangako ng lungsod sa disaster preparedness at resilience.
Bahagi na rin ang paggunita sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, na naglalayong panatilihin ang mga aral mula sa trahedya bilang gabay sa pagbuo ng mas ligtas at mas matatag na Baguio para sa susunod na henerasyon.
Photo courtesy: PIO Baguio











