--Ads--
Patuloy na may nakabukas na ilang gate ang dalawang dam sa Benguet — ang Ambuklao Dam at Binga Dam — nitong Linggo ng umaga upang magpakawala ng tubig.
Alas-8 ng umaga, isang gate ng Ambuklao Dam ang nakabukas nang 0.3 metro at nagpapakawala ng tubig na nasa 102.17 cubic meters per second (cms), ayon sa datos ng PAGASA.
Samantala, isang gate rin ng Binga Dam ang nakabukas nang 0.5 metro at naglalabas ng tubig sa bilis na 98.51 cms.
Nakararanas ng malalakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon nitong mga nakaraang linggo dahil sa Habagat o Southwest Monsoon.










