--Ads--

BAGUIO CITY – Nagsagawa ng embankment ang Department of Public Works and Highways–Baguio City 1st District Engineering Office sa isang alleged sinkhole na namataan sa Uabac, Camp 7, Kennon Road, Baguio City.

Madaling-araw nang bumulaga ang naturang sinkhole na, ayon sa residenteng nakapanayam ng Bombo Radyo News Team, ay posibleng resulta ng matagal na underground mining sa lugar.

Bukod sa sinkhole, naobserbahan din ang mga bitak sa ilang bahagi ng kalsada na maaaring magdulot ng panganib sa mga motorista.

Magsasagawa naman ng validation at investigation ang mga awtoridad kaugnay nito.//via Bombo Noveh Grace Organo