--Ads--

BAGUIO CITY – Isa pang insidente ng diumano’y pagnanakaw ang nakunan ng CCTV camera sa isang establisyemento sa La Trinidad, Benguet noong Hunyo 30.

Sa video na nai-post ng hindi nagpakilala na concerned citizen, makikita ang isang lalaki na nakaupo sa isang table.

Pero nung tumayo ang isang babae ay pasimpleng tumayo ang lalaki at lumapit sa electric fan.

Makalipas ang ilang segundo ay lumabas ang lalaki na dala ang electric fan.

Kasalukuyang sinusubukan ng Bombo Radyo Baguio na makipag-ugnayan sa kinauukulan para sa karagdagang impormasyon sa nasabing insidente.

CLICK THE LINK TO VIEW THE FULL VIDEO:

https://fb.watch/t4mqxWgrvt

https://www.facebook.com/share/v/cxjLTxWiAVicqAfL/?mibextid=oFDknk