--Ads--
Naitakbo sa pagamutan ang bagong silang na sanggol na natagpuan sa tabi ng isang bahay sa Pinget, Baguio City pasado alas-kwatro kaninang madaling araw, Agosto 12.
Ayon sa isang residente, nakarinig siya ng iyak mula sa labas ng kanilang bahay kaya’t agad niya itong tinignan.
Aniya, walang saplot ang sanggol at nakalagay sa isang eco bag ang kanyang placenta at umbilical cord.
Sa kasalukuyan, nasa mabuting kalagayan ang bata at nagpapagamot sa ospital, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.//Bombo Cara Sacyaten