--Ads--

BAGUIO CITY – Isinasailalim sa fish stocking test ang bagong rehabilitated na Burnham Park Lake bilang bahagi ng mga hakbang upang mapabuti ang lugar at mapalawak ang mga recreational activity para sa mga residente at turista.

Limang tilapia fingerlings ang inilagay kahapon, Agosto 16, 2026, sa lawa upang matukoy kung makaliligtas ang mga ito sa kasalukuyang kondisyon ng tubig. Susubaybayan ang mga isda sa loob ng tatlong araw.

Kapag naging matagumpay ang pagsusuri, nasa 1,000 isda ang planong ilagay sa lawa. Inaasahang maaari nang hulihin ang mga ito makalipas ang tatlong buwan.

Inihahanda rin ang fish stocking bilang bahagi ng paghahanda para sa planong fishing tournament sa Burnham Lake sa Disyembre.

Isinagawa ang paunang fish stocking nina fishing enthusiasts Rafael Serrano at Michael Rosero, sa pag-apruba ni Mayor Benjamin Magalong at ng City Environment and Parks Management Office (CEPMO) sa ilalim ni Atty. Rhenan Diwas.

Si Rosero ang nagkaloob ng mga tilapia para sa testing at nangakong magbibigay pa ng karagdagang isda kapag napatunayang angkop ang bagong rehabilitated na lawa.

Samantala, si Serrano ang nasa likod ng serye ng fishing tournaments na isinagawa sa lawa katuwang ang city government.

Bahagi ang programa ng patuloy na rehabilitasyon at pagpapahusay sa Burnham Park Lake para sa publiko