Inanunsyo na ang mga billeting school o pansamantalang matutuluyan ng mga delegado para sa Cordillera Administrative Region Athletic Association Meet (CARAA) 2026 na gaganapin mula Pebrero 22 hanggang 27 ngayong taon.
Ang mga delegado mula sa Abra ay mananatili sa Tublay School of Home Industries. Ang delegasyon naman ng Apayao ay itatalaga sa La Trinidad Central School, habang ang Benguet Delegation ay manunuluyan sa Benguet National High School.
Samantala, ang mga delegado mula sa Baguio ay maaaring manatili sa Lucban Elementary School sa Baguio City. Ang Ifugao Delegation ay nakatalaga sa Puguis Elementary School, ang Kalinga Delegation sa Buyagan Elementary School, at ang Mountain Province Delegation sa Alno National High School.
Ang delegasyon naman ng Tabuk ay mananatili sa Benguet State University – SLS Building.







