Patuloy ang search and rescue operations sa border ng Nepal at Tibet, China matapos ang malawakang flash flood at landslide na ikinasawi ng hindi bababa sa 165 katao at nagpawala sa mahigit 1,000 katao.
Ayon sa Nepal Police, 162 bangkay ang kanilang narekober, habang nasa 468 turista, kabilang ang 393 dayuhan, ang hindi pa natatagpuan.
Sa panig naman ng China, tatlo ang nasawi at 558 katao, kabilang ang 260 dayuhan, ang nawawala matapos tamaan ng mudslide ang Gyirong Port sa Tibet.
Batay sa pagsusuri ng U.S. Geological Survey, hindi lindol ang sanhi ng sakuna kundi pagguho ng glacier na nagdulot ng debris flow na rumagasa sa mga komunidad sa gilid ng mga ilog ng Bhote Koshi at Trishuli.
Maraming bahay, sasakyan at buong barangay ang inanod o natabunan ng putik. Patuloy ang operasyon ng mga rescue team, kabilang ang paggamit ng helicopters, sniffer dogs at iba pang kagamitan.
Samantala, nagbabala ang mga eksperto sa posibilidad ng panibagong pagbaha dahil sa bara sa ilog na nananatili sa upstream na bahagi ng hangganan ng Nepal at China.










