--Ads--

Hinimok ng Malacañang ang publiko na bigyan ng benefit of the doubt ang mga doktor na sumusuri sa kalagayan ni dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi maaaring pilitin ng PNP o DILG ang pag-alis ni Romualdez sa ospital kung may medical assessment na hindi pa siya maaaring ilabas.

Naniniwala rin si Castro na hindi makatatakas si Romualdez sa ospital habang nakabinbin ang P7.4-bilyong plunder case laban sa kanya kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Iginiit ni Castro na dapat pagkatiwalaan ang pagsusuri ng mga doktor, na inaasahang magsasabi ng katotohanan tungkol sa kalagayan ng isang pasyente.

Samantala, sinabi ng Office of the Ombudsman na mahigpit nitong kokontrahin ang mosyon ni Romualdez para sa hospital detention.