--Ads--
Magsasagawa ang DepEd Baguio ng isang press conference ngayong 10 ng umaga para magbigay linaw sa isa pa umanong insidente ng bullying sa City of Pines.
Ito ay kasunod ng impormasyon na natanggap ng Bombo Radyo Baguio noong Miyerkules mula sa isang mapagkakatiwalaang source na isa umanong estudyante ng Lucban Elementary School sa Baguio City ang nanutok ng baril.
Sa impormasyon na ipinadala sa Bombo Radyo Baguio, agad umanong nakumpiska ang nasabing baril at sinuspendi ang sangkot na menor-de-edad.
Matatandaang sinubukan ng Bombo Radyo Baguio na kunan ng pahayag ang Baguio City Police Office Station 2 kahapon ngunit limitado lamang ang kanilang naging tugon.











