--Ads--
Hindi parin natatagpuan hanggang sa ngayon ang isang binata na unang naiulat na nawawala sa Atok, Benguet.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atok Mayor Franklin Smith, patuloy parin ang kanilang paghahanap sa tulong ibang-ibang lokal na ahensia at mga volunteers, gayundin ang kamag-anak at pamilya ng nawawala.
Nangako ang alkalde sa mga magulang at kaanak ng nawawala na susuportahan niya ang kanilang magiging desisyon.
Maipapaalalang nawawala ang binata matapos malunod sa Amburayan River sa Atok, Benguet noong Agosto 5, 2025.
Agad na nagsagawa ng search, rescue at retrieval operations ang Atok MDRRMC, iba’t pang ahensya o opisina kasama mga volunteers, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang indibidwal.