--Ads--

BAGUIO CITY – Magwawakas na ang flight ng Flag Carrier Philippine Airlines (PAL) mula Cebu patungong Baguio simula Hulyo 1, sa kasalukuyang taon.

Ito ay dahil sa kakulangan ng pasahero.

Siniguro naman ng flag carrier na bibigyan ng kinakailangang tulong at refund ang mga pasahero na nakansela ang flight na Cebu-Baguio-Cebu.

Una ng inilunsad ng PAL ang apat na beses sa isang linggo na Cebu-Baguio flight noong Disyembre 2022 gamit ang De Havilland Canada Dash 8 Series 400 NG aircraft ngunit winakasan ng nasabing airline ang ruta nito dahil sa kakaunti ang pasahero.