Baguio City-Kahit Marso na, patuloy pa rin ang malamig na panahon sa Baguio, na kadalasang tinuturing na simula na ng tag-init.
Ayon sa PAGASA, naitala ang pinakamababang temperatura ngayong Sabado ng 9° Celsius alas-5 ng umaga, habang inaasahan namang aabot sa 22° Celsius ang pinakamainit sa araw.
Dahil sa amihan at malalakas na hangin mula sa hilagang-silangan, lalong nararamdaman ang lamig, at may bahagyang pag-ulan sa lungsod. Ang kalangitan ay inaasahang partly cloudy hanggang cloudy sa buong araw.
Apektado ng malamig ang araw-araw na gawain ng mga residente at bisita. Kaya naman pinaalalahanan ng mga awtoridad sa kalusugan ang publiko na magsuot ng mainit at kumportableng damit, at mag-ingat sa mga sakit gaya ng sipon, trangkaso, at iba pang karamdaman dulot ng lamig.
Sumikat ang araw sa alas-6:05 ng umaga at lulubog naman sa alas-6:06 ng gabi.











