--Ads--

PHILIPPINES – Hinahanap ngayon ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nang-iwan sa isang fetus ng tao sa banyo ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong Martes, Agosto 6.

Batay sa imbestigasyon ng Police Airport Security Group, natagpuan ng isang airport cleaning crew ang fetus sa isang garbage bin habang nagsasagawa ng regular na pangongolekta ng basura.

Ang fetus ay humigit-kumulang isang buwang gulang kung saan nakabalot pa ito sa tissue paper.

Agad naman na dinala ang labi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal police station matapos kumpirmahin na kinakuukulang doktor na ito ay isang fetus.