BAGUIO CITY — Ipinaliwanag ni City Environment and Parks Management Officer (CEPMO) Rhenan Diwas na ang pagkaantala sa pagkukumpuni ng Children’s Park sa Burnham Park ay dahil sa kinakailangang government procurement process at hindi sa kapabayaan.
Sinabi ni Diwas na kasalukuyan nang isinasagawa ang procurement at inaasahang magsisimula ang pagkukumpuni ngayong Agosto, kapag natapos ang pagwawasto sa technical specifications.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga residente, lalo na sa mga magulang at bata, dahil sa pansamantalang pagsasara ng ilang playground equipment para sa kaligtasan.
Bukod sa pagkukumpuni, isinusulong din ng lungsod ang pagtatayo ng bagong Children’s Park na may mas moderno at inklusibong mga pasilidad, na kasalukuyang nire-review ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).











