--Ads--
BAGUIO CITY – Kinumpirma ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magsisimula ang Baguio-Cebu-Baguio flight sa Loakan, Airport sa Disyembre 16.
Dahil dito, minamadali ng local government ang koordinasyon nila sa mga ibat-ibang ahensiya katulad ng Civil Aviation Authority of the Philippines at ang Philippine Airlines para maging maayos ang operasyon.
Una nang napag-usan ng local government na mabukbuksan ang commercial flight sa Enero sa darating na taon pero napagdesisyonan nila na buksan ito sa Disyembre ngayong taon dahil mas maraming turista mula Visayas at Mindanao ang aakyat sa Baguio dahil sa malamig na temperatura.