--Ads--

BAGUIO CITY – Nasa kustodiya ngayon ng Baguio City Police Office

ang suspek sa umanoy hostage taking sa Sampaguita Street, Quezon Hill, Baguio City.

Naganap ang nasabing insidente, pasado alas singko ng hapon, Nobyembre 26.

Nakilala ang suspek na isang security guard.

Ayon kay Police Major Dencio Dayao, Station Commander ng BCPO Station 1, hinihingi ng suspek ang pag-uwi ng kanyang live-in partner sa kanilang tahanan matapos umano itong sumama sa ibang lalaki.

Dito na umano naganap ang panghohostage ng suspek sa kapatid at pamangkin ng kanyang live-in partner.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad, barangay officials kabilang na si Mayor Benjamin Magalong.

Hawak ng suspek ang caliber 9mm na baril mula sa pinapasukan niyang security firm.

Nagkaroon naman ng negosasyon ang mga otoridad sa suspek at nagtagal ito ng ilang oras.

Ayon kay Mayor Magalong, ang nasabing insidente ay tinagawag na Sudo Hostage kung saan inilalabas lamang ng suspek ang kanyang sama ng loob sa kanyang karelasyon at walang biolenteng naganap.

Tagumpay naman na nasagip ang mag-inang biktima, 10:40 pm at sumuko naman ang suspek, pasado alas onse ng gabi.