--Ads--

BAGUIO CITY – Mahigit na sa P491-milyon ang danyos sa sektor ng imprastruktura sa Cordillera dahil sa lindol, ayon sa DPWH.

Mula sa nasabing halaga, mahigit P436-milyon ang naitala sa Abra dahil sa pagkasira ng mga kalsada, tulay, flood control structures at iba pa.

Mahigit naman sa P18.8-milyon ang danyos na naitala sa Benguet, P100,000 sa Baguio City, P20-milyon sa Ifugao, P16-milyon sa Kalinga at P113,000 sa Mt. Province.