Baguio City- Patuloy na namamayagpag ang Filipino race car driver na si Iñigo Anton sa Rookie Cup Championship matapos ang Round 2 sa F4 SEA series sa Chang International Circuit, Buriram, Thailand.
Nakamit pa ng young phenom ang pinakamagandang karera niya sa F4 at nananatili itong second overall sa limang races sa nasabing series.
Naging malaking hamon din sa Baguio car driver ang basang race track kung saan mula sa third position sa pag-umpisa ng karera ay nakuha pa nito ang P1.
Bagamat nakuha din ni series leader Alex Sawer ng Vietnam ang P1 sa lap 3, nagtapos si Anton ng second overall sa Race 5 ng series.
Pinaghahandaan na ngayon ng Motul factory racer ang Round 3 ng F4 SEA series na gaganapin sa street circuit sa Bangsaen, Thailand sa buwan ng Hulyo.
Tiniyak pa ng multi champion speed driver na nakahanda siyang harapin ang anumang pagsubok sa susunod niyang karera kung saan inamin niya na patuloy itong natututo sa bawat laban na kanyang sinasalihan.//Bombo Jordan Tablac