--Ads--

Ilan pang mga personalidad, kabilang sina Gabbi Garcia, Atom Araullo, Amy Perez, Winwyn Marquez, at Therese Malvar, ay pumuna sa naging pahayag ni 4th District Rep. Bong Suntay tungkol kay Anne Curtis sa ginawang pagdinig ng House Justice Committee noong Martes.

Binatikos nila ang sekswal na komentaryo at misogyny, at nanawagan ng pananagutan sa mga pampublikong opisyal. Sinabi ni Gabbi: “Nakakadiri,” habang idiniin ni Atom ang “intellectual dishonesty at strongman politics.” Ani Amy Perez: “Disgusting talaga,” at ipinaliwanag ang mas malawak na usapin ng respeto sa kababaihan.

Ibinahagi rin nina Bianca Gonzalez, Nadine Lustre, Bela Padilla, at Ivana Alawi ang pagkadismaya, habang sina Jasmine at Carmen, kapatid at ina ni Anne, ay inalma ang pahayag ni Suntay.

Humingi ng paumanhin si Suntay kay Anne at sa mga nasaktan, ngunit nanindigan sa ginawang analogy, sinabing “walang malice” ang layunin ng kaniyang pahayag.