--Ads--
PHOTO BY: DSWD-CAR

BAGUIO CITY – Umabot sa 1,081 na pamilya o 3,561 na indibidual ang naapektuhan sa bagyong florita.

Ayon sa DSWD-CAR, 650 na pamilya ang naapektuhan sa Abra, 369 sa Apayao, 22 sa Benguet, isa sa Kalinga ken isa rin sa Mt Province.

Aktibo naman ang 14 na evacuation center, apat sa Abra, anim sa Apayao, dalawa sa Benguet at dalawa rin sa Mt. Province.

Sa kasalukuyan, nasa 327 na pamilya o 1,115 na indibidual ang pansamantalang nakatira sa mga evacuation centers.

Aabot naman sa 145 na pamilya o 523 na indibidual ang pansamantalang nakitira sa kanilang kamag-anak at kakilala.

Naitala naman ang isang totally damaged na bahay.

Naitala din ang isang namatay mula sa Pinukpuk, Kalinga matapos madaganan ng kahoy, wala namang naitalang nasugatan at nawawala.

Ayon sa DSWD-CAR ay nabigyan ng tulong gaya ng relief packs ang mga apektadong pamilya.