--Ads--

BAGUIO CITY – Haharap ang isang water delivery boy mula Baguio City ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law dahil umano sa panggagahasa niya sa menor de edad na babae na nakilala lamang niya sa social media.

Ayon sa report, ang suspek ay 23 taong gulang habang ang biktima ay 14 taong gulang.

Sinasabing kinumbinsi ng suspek ang biktima na magkita sila sa Malcolm Square, Baguio City.

Matapos ang pagkikita ng dalawa ay nag-inuman umano sila ng alak sa bahay ng suspek.

Nalasing ang biktima at dito na umano ginawa ng suspek ang sekswal na aktibidad ng tatlong beses.

Matapos ang insidente, pinauwi ng suspek ang biktima ngunit tinakot niya ito na huwag magsumbong.

Pagkaraan ng ilang mga araw, napansin ng ina ng biktima ang kakaibang kilos ng kanyang anak dahilan para malaman niya ang tunay na nangyari.

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap na ang suspek.