--Ads--

Inanunsyo ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) na tataas ang singil sa kuryente ngayong Hunyo 2026 bunsod ng pagtaas ng generation costs.

Tumaas ng ₱1.9409/kWh ang overall rate, mula ₱9.7041/kWh noong Mayo patungong ₱11.6450/kWh ngayong Hunyo. Katumbas nito ang humigit-kumulang ₱194 na dagdag sa bayarin ng isang konsumer na kumokonsumo ng 100 kWh.

Ayon sa BENECO, pangunahing dahilan nito ang pagtaas ng presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at sa bilateral rate ng Therma Luzon, Inc., na pinalala pa ng kakulangan sa suplay ng kuryente sa Luzon at pagtaas ng coal prices.

Nilinaw din ng kooperatiba na ang generation charges ay pass-through at hindi napupunta sa BENECO, habang nananatiling hindi nagbabago ang kanilang distribution charges mula pa noong 2009.

Hinimok ng BENECO ang mga konsumer na magtipid sa kuryente upang makatulong sa pag-manage ng gastos at sa stabilidad ng power supply.